Paano ko uumpisahan?
Ayon, pagsusulat?
Marunong ka bang magsulat?
Natural isasagot mo oo pero ang itinatanong ko ay kung marunong kang magsulat. Gumawa ng kanta, ng tula at higit sa lahat magsinungaling. I mean, to write a fiction stories. Alam ko naman na kadalasan nagsusulat ang karamihan ngayon sa larangan ng kathang isip, maraming naglalaro doon dahil madaling gumalaw sa mundong ikaw mismo ang gumawa. Pero kapag nagsulat ka na ng non-fiction, dito na nag-uumpisa totoong saya, ligaya at kabulastugan sa larangan ng pagsusulat.
Ilang beses na rin akong sumubuk na magsulat ng isang kwento na pwede kong maipost dito sa Fanfare pero sa paulit-ulit na tangka ko ay wala pa rin akong naipopost. Hindi ko alam kung bakit pero sa oras na maisip ko ang mga kritiko na kakatay sa mga sinulat ko ay sumasakit ang tiyan ko. Masakit na parang hinahatak ang bituka ko pero hindi naman ‘yong feeling na kailangan mong pumunta ng CR.
Paano ako nag-umpisang magsulat at gumawa ng mga kwentong pagtatawanan lang naman ng mga taong hanap ay kunting katatawanan. Hindi ko na maalala, pero ang pinakanatatandaan ko ay nag-umpisa akong magsulat 3 years ago. Oo, tama 3 years ago noong cute pa ako at maraming nagkakagusto sa akin. Nag-umpisa akong magsulat ng mga kanta at tula, pero kadalasan tula lang kasi naman ‘yong mga kantang ginagawa ko ay hindi ko nagagawan ng tono so asa na lang ako sa pag-gawa ng kanta.
Magmula sa tula ay na-develop ang writing skills ko [if you call it a skill] para gumawa ng mga short stories. Mga maiikling kwento na hindi masakit sa mata kapag binasa, ‘yon nga lang, hindi lalampas sa sampung linya kaya maraming nairita at marami rin namang natuwa. Natuwa dahil walang matinong bata sa edad ko noon ang gagawa ng gano’ng kaikling kwento na mag-uumpisa na walang kakwenta kwentang sentence at magtatapos lang sa dot dot dot. Gusto niyo ng sample? Kung ako sa inyo ‘wag na lang, kasi no’ng huli akong magbigay ng sample ay hindi na ako iginalang ng mga taong nakabasa.
So nasaan na ba ako? Masiyado akong nag-eenjoy kapag hindi ako nagsusulat pero nasasabi ko ang laman ng utak ko. [Wow, may laman pala ang utak ko!] O ayon, so after na magdevelop [kung development nga ba ‘yon] ng writing chuva ko e sinubukan ko ring magsulat ng medyo matino-tino. Kung dati ay puro love story lang ang sinusulat ko na kapag nabasa na ng mga mambabasa ay nagiging katatawanan, no’ng mga sandaling ‘yon ay sinubukan ko namang magsulat ng medyo seryosong tema. Sinubukan kong gumawa ng drama, as in drama na mararamdaman mo kung ano ‘yong nararamdaman ng mga bida sa kwento at makaka-relate ka sa mga hinanakit nila sa mundo na tipong kapag magpapakamatay na sila sa kwento ay natataranta ka. Pero lahat ng pagbabalak na ‘yon ay hanggang balak na lang, umpisang umpisa pa lang sa unang eksena ay katatawanan na agad ang nabuo ng hindi ko namamalayan. Imagine, bago ko isulat ang mga ‘yon nag-emote pa ako as in lumuluha ako sa kaka-alala ng mga sad moments ng buhay ko tulad nang mamatay ang dagang costa ko dahil natapakan ko, pangalawa ay no’ng makakuha ako ng panty sa “gift surprise” na pakana ng adviser ko no’ng grade six ako at panghuli ay noong magkahiwalay kami ni chie no’ng graduation no’ng grade six na ang tanging pabaon niya lang sa akin ay isang sampal at isang ngite. So dahil nga sa mga pag-eemote kong ‘yon nakakuha ako ng emotion na pwede kong isalpak sa papel na hawak hawak ko. Akala ko ay magiging ok na ang lahat dahil sa emotion na mero’n ako ng oras na isulat ko ‘yon, pero mali ako. Unang nakabasa no’ng story na ‘yon na pinamagatan ko pang “Emotions” ay ang teacher ko no’n sa kabulastugan na si Loire.
Loire: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!
Ako: Bakit ka natawa?
Loire: Tang ina ka! Akala ko naman e seryosong drama ‘to e parang gag show ‘to ah?
Ako: Gano’n ba? Ikaw naman, parang hinde mo ako kilala? Hahahahahahaha! Comedy ‘yan talaga, nakakatawa no?
Loire: Oo pare, iba ka! You’re the man! Hahahahahaha!!
Mangiyak ngiyak siya sa katatawa dahil sa mga sinulat kong ‘yon, naki-ride on na lang ako sa tawa niya pero ang totoo e gusto ko na siyang sakalin, ilagay sa sako, itali sa puno at hatawin ng baseball bat ng paulit ulit.
Kaya magmula no’n ay sinubukan kong wag nang magsulat dahil wala naman nakaka appreciate, magmula ng tawanan niya ang mga sinulat kong ‘yon ay nalungkot ako ng husto kaya naman napansin ako ni Juliet na schoolmate ko. Ipinabasa ko sa kaniya at hindi ako nagkamali ng inaasahan, gulong siya sa katatawa sa “emotions” ko na intended para magpaiyak dahil sa lungkot hinde sa katatawan. Dahil do’n ay nalungkot ako ng husto at kinuha kay Juliet ang kopya at nagtungo sa sulok ng tambayan ko sa tabi ng Xerox center. Complete with theme song pa ang pag eemote ko noon, pinatugtog ko pa ‘yong four seasons of loneliness by Boyz II Men habang ako ay naka-upo sa sulok ng bench, yakap yakap ang tuhod na parang batang nawawala sa mall at pinagmamasdan ang kopya ng “emotions” ko na nakapatong sa table. Isa lang narealize ko no’ng mga oras na ‘yon, na hinde bagay ‘yong pinatugtg kong kanta nang nag-eemote ako, dapat pala End of the Road para medyo ok naman.
A year later ay napasama ako sa isang team na kinabibilangan ng mga pinakamagagaling na estudyante sa buong campus, hindi ko nga alam kung ano bang naisipan ng sira ulo naming Principal at kinuha ako. Galit pa rin siguro ‘yong principal namin sa akin hanggang nang mga oras na ‘yon, hindi ko alam kung bakit ba napakalaking bagay sa kaniya nang mabuhusan ko siya ng samalamig no’ng nag-enroll ako. Malay ko bang siya na pala ‘yong principal namin? Pahara-hara kasi sa daan e. At dahil nagsasanga-sanga na ang mga kwento ko ay itutuloy ko na nga.
Ayon, napasama ako sa mga “Elites” ng school namin kaya naman feeling ko e isa akong poring sa grupo ng mga Orc Zombies [‘yan, RO related na kahit papaano! Yey!] Kailangan pala naming maghandle ng isang event dahil may darating na mga taga DepEd sa school namin, kaya naman pala kinuha lahat ng magagaling at hindi ako tiwala na magaling din ako. Kinuha lang ako para lang siguro may comic relief ang buong tropa para iwas stress, kahit papaano may na-iisip din naman palang magaling ‘yong principal naming ‘yon.
Dumating na ‘yong araw na nagsipagdatingan ang mga taga DepEd, lahat sila mukhang alien para sa akin at sa umpisa pa lang ay planado na ang galaw ng lahat sa school namin, pwera lang sa akin. Wala akong sasantuhin sa mga gremlins na galing sa DepEd na ‘yan, humanda sa akin ‘yang si Principal, pagsisisihan niyang isinama niya ako sa mga retarded na ‘to. Dumating ‘yong oras nang part ko, hanggang sa mga oras na ‘yon ay walang instruction ang ibinigay sa akin na gagawin at clueless talaga ako kung ano bang gagawin ko.
Pumasok na ako sa stage at nainterview na ako agad ng mga taga DepEd, nagulat ako nang ipakita nila sa akin ang kopya ng “emotions” ko. E paano ba naman ang huling nakabasa ng “emotions” ko ay ‘yong principal namin kaya nagulat ako at hanggang ngayon ay hindi pa binabalik sa akin.
Taga DepEd: So Mr. Lamento, magaling ka pala magsulat ng funny tales?
Ako: Ang totoo po e intended po ‘yan na magpaiyak hindi ko naman po sadyang comedy ang kinalabasan.
Taga DepEd: Hahahaha! May natutunan kaming matatanda kung paano ba mag-isip ang mga batang gaya mo, dahil dito mas mapapagbuti na nang mga teacher niyo ang pakikitungo sa mga estudyanteng tulad mo. Mgaling Hijo, nagustuhan ko ‘to.
Ako: [Hinde makapaniwala] Gano’n po ba, salamat po at nagustuhan niyo pero tumigil na po ako sa pagsusulat.
Taga DepEd: Naku hijo, ang galing ng pagkakagawa mo dito kahit na sobra siyang nakakatawa e nakakagising naman sa tunay na nangyayari sa mga estudyanteng tulad mo. 4 years from now, gawan mo ng mas mabuting version ‘to dahil alam naming may pupuntahan ka sa pagsusulat.
Ako: Naku…salamat po.
Nadismaya ako sa totoo lang, hindi dahil sa sira ang ulo ko kungdi dahil sa expectations kong babalatan ako ng buhay ng mga taga DepEd na ‘yon at ako naman ay gaganti para mapahiya ang school namin. Demonyito talaga ako e, dati pa. Kaya dahil do’n sa mga kind words na narinig ko e na-motivate akong magsulat uli, hindi para sa mga ikakalungkot o ikakatawa ng mga makakabasa kung hindi para sa ikakatuto nila. Wala man ako masiyadong alam, at least may maishe-share ako sa iba na hindi mo pwedeng mapulot ng basta basta sa mga librong intellectual.
Kaya nagsimula ako uli magsulat pagkatapos ng dal’wang taon, at ang taon na ‘yon ay ngayon. Early this year ay nagsulat ako uli, sa palagay ko ay namuti na ang mga mata ng mga Taga DepEd na ‘yon kahihintay sa mga gagawin ko pang “eye opener” Shet naman, eye opener na pala ha? Dati rati can opener lang ang drama ko, mala avril, avrilata.
Dagdag motivation din ang Stainless longganisa ni Mr. Bob Ong para sa akin, pareho kami ng banat at nakuha ko na nga ata sa kaniya ang stilo ng pagsusulat ng ganito ang style? ‘Yon lang ang libro niya na mero’n ako at hindi ko na pinag-aksayahan pa ng pera ang iba niyang libro dahil alam ko naman na may mahihiraman ako. Kaso wala kaya nga heto iipon lang ng pambili para pagpunta ko ng bookstore ay mabibili ko na ang apat niya pang libro at ng hindi na ako sasalampak sa sahig para magbasa ng libro para lang sawayin ng mga sales clerk.
Lalo pa akong na-motivate sa pagbabasa dahil sa RB, bakit? Ewan ko ba kung bakit ba ‘tong mga siraulong writer na ‘to sa fanfic section ng old RB ang nakakuha ng atensyon ko. Naaalala ko mga early this year ‘yon na talagang tambay ako sa Fanfic section ng RB at nahinto lang ang communication ko kina Yomz, Nicole, Dave, Kim ni Mr. Imperfect, Daisuke, Maria, Gabrielle, Aleiza ni Mistress Mitsune, ang mga nilikha nina kuya The Abyssmal Priest at ni Kuya T’wolf nang ma-hack daw ang RB. Pati ‘yong mga fanfic ni grace na bestfriend ko ay binasa ko na rin, kunti lang ata ‘yong mga writers na nakakuha ng atensyon ko [at respeto, pagsamba na rin] noon sa Old RB kaya nga ‘yong ibang magagadang fic ng ibang magagaling na writer ay hinde ko na nabasa, dumagdag pa ‘yong mga ganid na hacker na ‘yon kung nahack nga ang old RB. Hindi ko alam kung bakit pati ragnaboards na nag-uumapaw sa mga retarded ay pinatulan na rin ng mas retarded na hacker?
So mga May ata nawala ang RB noon o April? Sakto naman na bumalik sa buhay ko si chie na nakapagpadagdag ng motivation ko para magsulat. Dahil naipromise ko sa kaniya ang unang book kong nagawa na Viral ay pinaganda ko talaga ‘yon ng husto na mala Stephen King ang nagsulat. [Joke]
Tinuloy tuloy ko lang ang pagsusulat ng Viral na ‘yon hanggang sa magulantang na lang ako na kami na ni Chie, yes nagulat pa ako kasi magbestfriends kami at you know… Magbestfriends na naglalambingan, nagkikiss, hug at may malisya. Galing hinde ba? Magbestfriend nga? Perfect~!! Kaso sa sobrang gulo niya kausap ay nakipagbreak na siya sa akin dahil hindi raw siya makaconcentrate sa studies niya, pero sa tingin ko ako ang may problema. Then nalaman kong may ibang dahilan at dahil sa sobrang sakit ay pinunit ko lahat ng mga naisulat ko nang mga kwento, maski ‘yong Viral na ‘yon na tapos na at ireregalo ko sa debut niya sa September kasama ng promise ring ay sinira ko rin. Pati ‘yong mga nakasave sa PC ko na mga kwento pati ‘yong soft copy ng Viral ay binura ko, as in binura ko ‘yong buong folder na naglalaman ng lahat ng ginawa ko. Nasaktan ako ng sobra kaya hindi ko na uli snubukan pang sumulat, huminto ang buong mundo ko nang malaman ko nang mga oras na ‘yon. Dito ako mahina, sa emotion, matigas ako sa kahit ano mangyari pero kapag puso ko na ang nasaktan, wala na. Kaya naman pati lahat ng sinulat ko ay napagdiskitahan kong sirain sa sobrang sama ng loob ko.
Pangatlong dagok na ‘yon sa pagsusulat ko at tila susuko na ako sa pagsusulat, hindi lang ‘yon maski sa buhay ko ayaw ko na. Pero nagising ako isang araw basa ang salwal ko, hindi ako naihi o ano pero malagkit. Dahil doon ginusto ko uling magsulat dahil meron pala akong ballpen sa aking pundilyo na may puting tinta. Kung tinta man ‘yon o glue ewan ko, basta may lumalabas. Kaya heto, sinubukan ko uli pero magmumukha na naman lang ‘tong diary ko kasi bara bara ang banat ko, pinagkaiba lang e ang diary lang ang nakakarinig at nakaka-alam sa nilalaman ng loob ko kapag sa kaniya ako nagsusulat, ngayon ay lahat ng may sira rin ang ulo para basahin ‘tong mga sinulat kong wala naman kakwenta kwentang basahin ay malalaman na kung paano nga ba mag-isip si Dylan. Si Dylan na minsang naging Mascot Mcdonalds at naging head ng isang kompanya. [Sige managinip ka lang, libre ‘yan, mahal ka ng Diyos]
Walang direksyon ang buhay ko, pati na rin ‘yong thread na ‘ginawa ko sa RB pero susubukan ko ring maglagay ng mga bagay bagay na pwede niyong dalhin hanggang kayo ay nabubuhay. Malay niyo may mapulot kayong kapakipakinabang sa pag-aaksaya ng oras niyo sa pagbabasa ng mga kwentong barbero ko. Dito sa blog ko.
Umpisahan natin sa kung paano ako mag-umpisang mag-sulat ng kwento, so paano ako mag-uumpisa sa pagsusulat? Hindi ko rin alam kung paano uumpisahan ang pag-susulat, hindi rin naman kasi ako binigyan ng talent sa ganiyang larangan. Kumbaga ang manunulat daw, lalo na ng mga fiction ay ang mga dakilang sinungaling. Nang marinig ko ‘yon sa isang gagung kaibigan e naniwala naman ako, so that means na gagu rin ako. Kaya magmula nang araw na ‘yon ay nag focus ako sa mga true to life story na mala-koreanovela ang mga eksena, ‘yon bang may humahabol na lalake sa isang bus na sinasakyan ng babaeng minamahal niya at sumisigaw ng
“Sanchay! ‘yong wallet ko ibalik mo!”
Pero nalaman kong mas nagmumukha palang sinungaling ang mga writer na nagsusulat ng mga storyang base sa tunay na pangyayari sa buhay, kaya lahat ng nangyayari sa lovelife ko na nailagay ko sa blog ko ay iniisip ng mga nakakabasa na kathang isip ko lamang. Lalo na silang nagduda ng sabihin kong naging girlfriend ko si Chie na isang classmate namin no’ng grade six at isang malapit na babae sa puso ko magmula pa man noon[nasabi ko na sa taas ‘yan]. Ayaw nilang maniwala kaya sinabihan nila akong
“Pare, writer ka talaga! Muntik mo na ako mapaniwala! Hahahahaha!”
After kung makipagbugbugan sa mga kaibigan ko ay umuwi ako sa bahay, kumuha ng ballpen at papel at saka sinubukang magsulat ng fiction. Nakagawa rin ako ng isa, hilaw nga lang, tungkol sa isang lalakeng may nakalarong magandang dalaga sa arcade na eventually ay nagkakilala sila at nagka-anak. Pagkatapos kong isulat ‘yon ay sinubukan kong ilipat sa computer ko ‘yong story, kaya naman kinuha ko ‘yong papel at nagtype sa MS word. Nagulat nga lang ako dahil nabago ‘yong storya, kung dati ay nagkakilala at nagka-anak agad na sa sobrang labo ay hindi mo maintindihan kung drama ba o comedy o kaya naman e porno kasi nagka-anak agad, ngayon naman ay may apo na sila. Ang ingay talaga ng utak ko sa t’wing haharap ako sa computer ko, tanggap ko na ‘yong katotohanang kung anong ikinatahimik ko ay ‘yon naman ang ikinabagsik ng hypothalamus ko.
Ngayon ay nakaharap na naman ako sa PC ko, nagtatype at sa ngayon parang new year ang utak ko, sobrang ingay. Para bang concert ng Pussy Cat Dolls sa sobrang ingay, hindi ako makatulog kaya heto type ng type hanggang sa makatulog ako. Masiyado nang malayo ang mga isinusulat ko kaya balik tayo? Saan niyo gustong bumalik?
A. Chie
B. Mga nasulat mong hango sa tunay na buhay
C. Magpakilala ka kaya muna?
D. Ang RB life mo at paano mo nakikita ang RB ngayon?
E. Sinu-sino ba nalink sa’yo dito sa RB?
F. Gusto mo raw maging Moderator?
Hindi ko na pag-aaksayahin pa ang mga sagot niyo dahil alam ko naman na walang magbabasa ng blog ko. So, goodnight na lang at sana, bukas, may girlfriend na ako. ULI.