A Man

What man is a man who does not make the world better.

Sunday, February 18, 2007

Mahirap Magpalaki ng Magulang.

“Ang swerte ng girl friend ko sa magulang ko, hindi lang sa akin, alaga rin sa nanay ko hindi lang sa akin”

-Kevin Sosa

Narinig ko ‘yan sa sa bestfriend kong si Kevin last time na nag-usap kami, napag-usapan namin ang mga ideya namin tungkol sa mga magulang at sa pagiging magulang.


Bakit nga ba magulang ang tawag sa mga magulang?


Ano ba definition ng magulang? Tuso? Mapang-lamang? Mandaraya?


Pero kahit ano pa man ‘yong definition niyang negative, sumasakto rin naman din talaga ‘yan sa ibang magulang.

Ok, hindi ako nagsusulat ng ganito dahil sa pagiging bitter ko, sinusulat ko lang kung ano ang nakikita ko at naoobserbahan. Kung iniisip niyong sa pagkabitter na naman lang ‘to galing, wag mo na lang basahin, pero sa mga taong nagbabasa nitong mga walang kakwenta-kwenta kong ginagawa, salamat.

Umpisahan natin sa usapan tungkol sa iba’t ibang uri ng magulang.

Maraming magulang ngayon ang hindi maganda ang pakikitungo sa kanilang mga anak, may mga magulang naman na sobrang hihigpit, may sobra kung makapang-spoil ng bata, meroon namang ok lang, magulang na mahilig na mag-bring up ng mga issues tungkol sa mga anak nila, may mga ma-iingay, iresponsable, walang silbi, at may mga magulang naman na sobrang babait, mababait na hindi nagkukulang sa pagpapa-alala sa kanilang mga anak. At ganoon ang mga magulang ni kevin. Ganoon din ang magulang ko.



May nakalimutan ako, ‘yong mga magulang na mahilig maki-alam sa buhay ng kanilang mga anak.

Hindi na bago sa pandinig at sa paningin natin ang mga ganiyang klase ng magulang pero mas madalas ko atang ma-encounter ngayon ang mga magulang na makikitid ang pag-intindi. Hindi ko alam kung bakit sila umaakto ng ganoon o kung saan naman nila nakuha ‘yong ganoong trip.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano uumpisahan ‘to dahil sa sobrang sabog sabog ang mga ideyang umuultaw sa aking utak, nag-uumapaw at kalat-kalat.

Sobrang higpit at mahilig maki-alam sa buhay ng anak nila ng sobra sobra, halimbawa na lang sa love life…

Ok naiintindihan ko sila na gusto lang nila ang lahat ng makakabuti sa akin at natatakot lang sila na baka may mga gawa tayon pagsisihan natin sa hinaharap dahil sa mga bata pa lang tayo. Hmmmmm….

Sobrang higpit…

Ay eto based from a personal experiences ‘to…hehe..

Marami-rami rin akong kilalang sobrang hihigpit kesyo BAWAL MAG BOYFRIEND~! ‘Yan natural ‘yan sa mga magulang ng mga girls diyan sa paligid–ligid. Sa sobrang higpit ng mga magulang na ‘yon e napipilitan maglihim ng bata sa magulang. Hindi ba napapansin niyo? Kapag lalong pinipigilan lalo namang nagkakanda loko loko ang nangyayari sa bata? Like for example, may girl na bawal talaga as in na magka boyfriend dapat daw tapos na muna and actually ok lang ‘yong reasoning ng magulang sa umpisa pero nang maglaon, hindi na pala maganda. So bawal nga magboyfriend si girl, e meroon siyang napupusuan na talagang mahal niya, so wala siyang magagawa kungdi ilihim ang tungkol kay lalake at sa relation nila at sa magiging relation nila dahil takot siya sa magulang niyang sobra kung makahigpit. Then ang nangyari, nakakapag-lihim tuloy si girl kay mama niya. Then alam niyo na kung anong nangyayaring susunod dahil sa sobrang kahigpitan? Napapariwara lalo. Oo, marami akong classmate na ganiyan dati, ngayon masasalubong ko may dala dala ng baby… Bakit? Dahil sa sobrang paghihigpit ng magulang lalong napasama. Nakuha niyo ba ako? Hindi ko lang alam kung paano ipapaliwanag ng maayos pero sa palagay ko naman ay naiintindihan niyo.

Hindi ba mas maganda kung hindi masiyadong maghihigpit para naman hindi napipilitang maglihim ang mga bata sa mga magulang nila? Kasi tingnan niyo? Kesa naman sa nag-iisip ang mga magulang sa kung nasaan na ang anak nila, kung sino ang kasama at kung ano na ang ginagawa at wala sa bahay ay mas maganda na ‘yong alam ng magulang kung sino ‘yong kasama ng anak nila hindi ba? Kaso paano nga makakapagsabi ang mga bata kung natatakot sa kanilang mga magulang na sobra kung makapang-higpit?

Kasi palaging may linyang nag sesepara sa ating mga anak sa ating mga magulang at minsan kapag minamalas malas ang bata. Ang idealism pa ng magulang nila ay:

“Anak lang kita ha, magulang mo ako.”

Ok ‘wag na muna nating dalhin dito ‘yong religion ok? Religion tends to complicate everything it touches so quiet muna tungkol doon.

Bottom Line:

Ang anak na babaeng pinagbabawalang magka-boyfriend at hinihigpitan ay yon pa ang kadalasang nakakarami ng boyfriends. Amen? AMEN~!

Sa mga tinamaan pasensya na.

Wala na akong maisulat, pinipili ko ang mga tamang salita para isalpak dito sa blank page ng Microsoft Word, siguro nga talaga mas ok pa ako sa pagsasalita kesa sa pagsusulat.

Ngayon ko lang naitanong sa sarili ko, ano kaya ako kung tatay na ako? Maghihigpit ba sa mga anak ng sobra? O magiging taga-spoil? O kaya naman e katulad ng mga magulang ni Kevin. Well, saludo ako sa magulang ni kevs and siyempre sa nanay ko. Bakit? Mero’n kasi kami ni Kevin na complete freedom sa kahit anong gagawin namin basta ba maging responsible kami sa kahihinatnan ng aming mga pinag-gagawa. Siguro iisipin niyong pwede sa amin ‘yon kasi lalake kami at iba ang pakikitungo nila sa babae at sa lalake.

Ewan ko lang din pero may nakikita pa akong magandang example ng magulang na katulad ng parents ni kevs, sino ‘yon? A female friend, a close friend. Kung nababasa mo man ‘to, oo, ikaw ‘yon. Mahal na mahal ko rin ang mama at papa mo dahil doon. Hehe. Yan, babae ang kaibigang kong ‘yon at hindi mahigpit sa kaniya ang mga magulang niya pero hindi sila nagkukulang sa pagbibigay ng payo at paalala.

Boyfriends and barkada? Hmmm hindi siya pinakiki-alaman ng magulang niya, siguro ngayon nagtataka na kayo kung gaano ba kabait ang babaeng tinutukoy ko? Mabait siya talaga, may kapilyahan pero masasabi kong responsible sa lahat ng mga ginagawa niya. Hindi sa pabaya ang magulang niya pero naroon lang ‘yong word na kailangan para magkaroon ka ng magandang relationship sa mga magulang mo.

“Trust”

Yes, nagtitiwala sila mama at papa (naki-mama at papa na ako) sa kaniya at para suklian ang tiwalang ‘yon ay ginagawa niya ang lahat ng mga gusto niyang gawin ng may buong responsibilidad. Hindi rin siya gumagawa ng kahit anong ikapapahamak niya at makakapanakit sa mga magulang niya.

Hay…

Kung lahat lang sana ng magulang ay ganoon ngayon, masaya na ang buhay natin lahat hindi ba? Siguro nga ngayon kung nakakabasa na nitong magulang ay bubulong ng

“Hindi mo kami maiintindihan hanggang maging magulang ka na rin mismo”

Hindi rin pwedeng ibato sa akin ‘yan? Bakit? Simple, ako na ang tumayong ama sa bunso kong kapatid magmula ng mamatay ang aking papa dahil sa sakit. Yes, my dear readers, ako ang tumatayong ama ngayon sa kapatid ko at masasabi kong hindi ako nagkukulang sa pag-papaalala sa kaniya. Sa katunayan nga ay hindi nga basta kapatid ang turing ko sa kaniya, anak na ang turing ko sa kaniya. Praning lang ba o ano e bahala na kayo pero kailangang kong tumayong ama sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iiwan ko na siya.

Ano ba ang gusto kong sabihin dito?


Hindi ko rin alam basta ang alam ko iniisip ko na ngayon kung anong klaseng tatay ako sa mga anak ko balang araw. Masiyado bang maaga kung mag-isip? Hindi naman, marami lang talaga sa aking nakakapagsabi na I’m more than a friend to them, more than a big brother and everything, more like of a father. Ilang beses ko na bang narinig ‘yan? Hindi ko na rin mabilang dahil maski ang babaeng minahal ko ay tinawag din akong daddy dahil parang tatay daw ako sa kaniya. Alam niyo na kung sino ‘yon.

Gusto ko, 10 years from now kung may isang magkakamaling mahalin ako uli na wala nang bawian at siya ang aking napangasawa, gusto ko sana na magkaroon ako, kami ng maayos na pakikitungo sa aming mga anak. Ayaw kong kasing maging magulang na walang ginawa kungdi manghigpit sa aking mga anak, gusto ko sanang maging tatay sa aking mga anak na parang isang matalik na kaibigang matatakbuhan sa oras na kailangan. Kunti na lang ang mga mag-anak na gano’n, sobrang close and I’m proud to tell everyone na close ako kay mama ko at kung buhay nga si papa, baka kasama ko pa siya minsan sa time zone at naglalaro ng tekken.

Guidelines sa pagiging mabuting magulang?


Wala actually.


Pero may idea na ako. Kasi kung paano tayo palakihin ng mga magulang natin palaging may mabuti at hindi kabutihang parte ng pagpapalaki sa atin Kung meroon man, tanggalin lang natin 'yong mga bagay na hindi natin gusto at itira lang natin 'yong mabuti sa pagpapalaki sa atin. Pagna-filter na natin 'yong magaganda e saka natin i-apply 'yon sa mga magiging anak natin in the future. Ayaw niyo rin naman sigurong maranasan sa inyo ng mga anak niyo 'yong hindi kagandahang nararanasan niyo sa mga magulang niyo hindi ba?

Kung masama man ang pakikitungo ng magulang mo sa'yo ngayon wag kang magagalit sa kanila. Bakit? Dahil kahit anong gawin mo, magulang mo pa rin sila, kahit hindi pa sila ang pinakamabait na magulang kailangan pa rin nila ang respeto at pag-intindi mo. Isipin mo na lang na hindi tayo makakapamili ng magulang, tsaka magpasalamat tayo sa kanila dahil kung wala sila, wala rin tayo, kahit pa pareho silang may sungay, carry on lang. Just try your best to show them na walang naidudulot ng mabuti 'yong mga bad traits nila bilang magulang. Siguro set exmaples na lang. Hindi ba?


"Parental Insanity is hereditary because you acquire it from your child."
-Kuya Christian Flores

No comments: